Ang mga hashtag sa Instagram, Twitter,
at (ang pinakanakakairita at misused sa lahat) Facebook ay isang
magandang batayan ng mga bagay na pinaiikutan ng mundo ng may ari ng
account. Kumbaga, “tell me what your hashtags are, and I will tell
you who you are”. So siguro, kung may magcocompile ng lahat ng mga
hashtags na ginawa ko ever, malamang may makita akong pattern na
magrereflect sa 'kin. Or ewan.
-----
Hindi sa pagmamagaling (para namang
ikinagaling ko), pero hindi ko matandaan na gumamit ako ng hashtag
(sa Twitter o Instagram) na hindi sikat o kaya yung na ako lang
nakakaalam. Halimbawa:
@xosigrid
Tara, kain! #gutomnakopls #tanghalinakasigumising #adobo
#GOoD.Aftiiee`0.7
Ang pagkakaalam ko kasi, ginagamit yung
hashtags para mai-sort yung tweets/photos, para pag may naghanap ng
tweets/photos na may kinalaman sa adobo, madaling makikita pag tinype
mo yung #adobo.
Pero paano naman yung ibang hashtag sa
example natin? May maghahanap ba ng tweets na may kinalaman sa gutom
mo? Pwede siguro yung tipong bored ka, maghahanap ka sa internet ng
mga taong gutom din tulad mo, aayain mong kumain, tapos may sparks
story ka na. Pero, come on people, gaano ba kadalas nangyayari yun?
Isa pang gamit ng hashtag eh para
sumikat ito, para maraming makaalam. Magandang example dito yung mga
Twitter accounts at hashtags nila Sam (@sam_yg) at Ramon Bautista
(@ramonbautista). Useful yan kapag ang pinopromote mo eh halimbawa
#EarthDay2015 o kaya #InternationalBoobsDay o kaya #UMUWINAKAYO kapag
masarap mang-trashtalk sa kalaban ng Gilas Pilipinas. Pero yung
#tanghalinakasigumising, ano na? Hindi ka naman si KathNiel (sino nga
ba kasi yun? Nakikita ko lang yung pangalan nila eh) para lahat ng
i-tweet mong hashtag eh magte-trend din. I mean, siguro naman hindi
lang ako yung saka sakaling gumamit ng #gutomnakopls, pero alam ko na
hindi magtetrend 'yan anytime soon. Gets?
Yung #Good.Aftiiee`0.7, that's just
plain jeje.
Walang punto itong article na to. Wala
lang akong magawa dahil wala akong internet sa ngayon.
#angbagalnginternetpls
0 comments:
Post a Comment