Remote
Taimtim akong nanonood ng tv kahapon. Nang matapos ang pinanonood ko, ampangit ng kasunod na palabas. Saka hinanap ko ang remote na nawawala pala. Tinignan ko sa ilalim, wala. Sa mga unan, wala din. Sa mga gilid ng sofa, lalong wala. Tinatamad naman akong lumapit sa tv para ilipat ung channel sabay maghanap ng mapapanood. Hinugot ko na lang tuloy ung saksakan sabay naglayas, dala ang cellphone, at tumambay sa labas.
Sa nangyaring yon, naisip ko, nauuna pa rin talaga sa sarili ko ung katamaran. Wala pa rin akong sariling kusana gawin ang mga bagay. Katunayan, dapat nga ginagawa ko ang mga assignment ko ngayon e. Tinatamad lang ako.
May kasabihan kami ng mga barkada ko: “Di bale nang tamad, di naman pagod”. May punto naman kasi ito. Ang pagiging tamad kasi ay salita para sabihing ‘hindi ka kumikilos’. Kung hindi ka nga naman kikilos, hindi ka mapapagod. Pero minsan parang kabaligtaran. Halimbawa, ang syota mo may ibang nilalandi. Tinatamad kang pag-usapan or something. Sasabihin mo, “napapagod na ko”, pero ang totoo, e wala ka namang ginagawa. Paano ka namang mapapagod sa paggawa ng isang bagay na hindi mo naman talaga ginawa?
Nahanap ko na ung remote kanina. Sana lang, sa pagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon, magbago na ako... at hindi maging daan ang 'remote' para lalong mawalan ng silbi ang sarili ko sa katamaran ko... natin. :)
0 comments:
Post a Comment