4.15.2011

May porsyento pa rin naman sa mundo ang ORDINARYO

Naniniwala ka ba dito? Elementary pa ako nung una ko itong narinig. Hindi ko pa ito matandaan noon, pero nung nagkaisip ako at natutong magobserve ng mga bagay bagay e nakuha ko din sa wakas. Hindi natin napapansin kung minsan na ang mga simpleng anekdota ng araw araw ay maaaring magkaroon ng matinding epekto sa buhay. Kani-kanina lng e may natutunan akong magandang leksyon sa kwento ng daddy ko.
(Habang ngcocomputer ako sa kwarto ng parents ko, tumambay si daddy sa pinto. Siguro naboringan sa pagtingin sa ginagawa ko sa computer, na pagffacebook lng nmn , e biglang nagkwento.)
Daddy: "Nagmerienda kami ni Elcid, tapos kumain ako ng halo halo saka kwek kwek."
Ako: "Ayos ah"
Daddy: "Oo nga e.. kaso sumakit yung tyan ko."
Sa kwentong ito, natutunan ko na:
Minsan hindi pwedeng pagsabayin ang mga bagay bagay kahit gaano ito kasarap gawin.
See? Napakasimpleng kwento, pang araw-araw na pangyayari na kapupulutan ng aral.Tandaan natin na hindi lahat ng bagay ay nasa extremes. May porsyento pa rin naman sa mundo ang ORDINARYO.

Related Posts:

0 comments:

Post a Comment