8.16.2010

Wika

Linggo na ng Wika habang sinusulat ko ang artikulong ito. Gusto ko sanang sumulat tungkol sa wika subalit habang iniisip ko kung anong wika sa Pilipinas ang aking patutungkulan, anak ng gilagid na may singaw!... bigla akong nagdalawa, nagtatlo, nag-apat, at naglimang isip. Marami nga palang wika sa Pilipinas at hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Naririnig ko ang usapan ng mga kasama ko dito pero nagse-cebuano sila. Hindi ko maintindihan. Mukhang masaya pa naman ang pinag-uusapan nila kasi tawanan sila ng tawanan. Hindi kaya ako ang pinag tatawanan nila? Ang problema kasi sa pagtawa ay wala itong pagsasaad kung anong bagay ang tinatawanan ng tumatawa... yun bang puwedeng malaman kung ano ang nakakatawa sa pamamagitan lang ng pakikinig sa tawa? Halimbawa, malalaman mo sa tawa kung ang pinag-uusapan ay tungkol kay kuwan, o kaya kung erap jokes, o kabastusan, etc. Masyado kasing pangkalahatan ang tawa kaya ang alam lang natin kapag may tumatawa, siguradong masaya ang kanilang pinag-uusapan... kung sino man o anuman iyon.

Sabi nila, ang pangunahing layunin ng komunikasyon ay ang makarating mula sa isang punto hanggang sa isa pang punto. From point "A" to point "B" ika nga. At wika ang nagsisilbing MMDA sa kalsadang dinadaluyan nito. Ang wika, sa aking hamak na pagkakaintindi, ay hindi laging nangangahulugan lamang ng mga salitang lumalabas sa ating mga bibig at mga salitang naririnig ng ating mga tenga. Kasama na rin dito ang iba pang pandama gaya ng paningin, pang-amoy, panlasa, at pakiramdam. Sa pamamagitan ng paggamit ng tamang lengguwahe o wika kaya tayo nagkakaintindihan, at ito rin ang sinasabing naging pundasyon ng kung anong sibilisasyon meron ang tao ngayon. Subalit kung ang lahat ng pinagmulan ay duon din magwawakas, hindi kataka-taka na marami na ring ugnayan ang nagtapos o nasira dahil sa wika. Digmaan na ang naging sanhi ay ang hindi pagkakaintindihan ng mga bansa o hindi pagkakaintindihan ng mga mamamayan sa loob mismo ng kanilang bansa. Minsan pa nga, kung hindi man madalas, dahil sa hindi masabi ng tama ng ating puso ang gusto nitong sabihin sa ating utak, hindi na rin natin maintindihan ang ating mga sarili. Ang wika daw kasi ay koleksyon ng mga simbolo na tayo mismo ang nagbibigay ng kahulugan. Kaya kapag may narinig kang "Repapips, 'san ang erpat?" Hindi mo sigurado kung hinahanap nito yung tatay mo o yung termos nyong lalagyan ng mainit na tubig. O kaya kapag sinasabi ng utak mo sa puso mo na ang gusto niya ay yung matangkad din, medyo bilugan, maiksi ang buhok, mahilig sa black shirt, yung ok kasama na tipong pwede mong kasundo sa lahat ng bagay, mahilig din sa basketball, etc... baka malito ang puso mo at sabihin sa utak mo na "Hoy sigurado ka ba? Baka lalaki rin ang gusto mo?"

Naniniwala ka ba na hindi lahat ng sinasabi natin ay iyon ang ibig nating sabihin? Maraming nagsasabi ng "I love you..." kahit hindi naman talaga niya mahal yung taong sinsabihan nito. "Sorry..." kahit alam nating mauulit pa rin naman ang ating mga pagkakamali. "A Talaga?" kahit na alam na natin kung ano yung ibig sabihin nung sinasabi ng kausap natin. "Ako'ng Bahala!..." kahit hindi naman talaga tayo sigurado. "Tingnan natin..." kahit alam naman nating malabo talaga. At tsaka "Okey lang..." kahit hindi naman talaga okey. Nagpapabango ka hindi para sabihin na mabango ka... gusto mong sabihin na hindi ka mabaho kung pwede mo rin namang sabihin na wala kang amoy. May mga nagsusuot ng manipis o maiiksing damit pero hindi nila gustong sabihin sa atin na bosohan sila o pagnasaan. Sa lahat ng ito, makikita ang kahalagahan ng wika at ang ginagampanan ng tamang gamit nito sa totoong kaisipan na nais nating iparating.

Sa isyu na ito, hindi kita binabati dahil linggo ng wika. Hindi rin ako nagtuturo ng kung ano. Ang gusto ko lang ay maaliw ka at wala nang iba.

Nakarating ba tayo sa point B?

Related Posts:

  • The Fear is in Not Knowing You’re in a pitch black room, can’t see anything. You can only hear wind and leaves outside. You smell boxes. Finally a low-watt light bulb comes to life, giving the room a low, o… Read More
  • FALLACIES: Why Your Argument is Invalid YOUR ARGUMENT IS INVALID. Here's a guide to most common logical fallacies. STRAWMAN You misrepresented someone's argument to make it easier to attack. By exaggerating, misreprese… Read More
  • Populating your Sims 3 World I like to create my OWN world in Sims 3. Like starting off with a super empty world, then I make ALL rabbit holes, bars, houses, parks etc. It’s really, really fun and you’ll en… Read More
  • The Princess Tendencies Girls, you know what I mean. Firstly, it’s term I made up. But the idea is pretty much universal, especially to girls. Anyway, it’s what I call the times when I feel like being… Read More
  • To punish... "To punish or discipline a child is to deliberately make a child feel bad in the hopes that this will have a positive result. But all that punishment can e… Read More

0 comments:

Post a Comment